BLENDED LEARNING MALABO KAY DUTERTE

Duterte-51

HINDI rin tiyak maging si Pangulong Duterte kung kayang ipatupad sa bansa ang blended learning.

Ito ay kaugnay ng panukala ng Department of Education (DepEd) kung saan ang blended learning o pinaghalong online-teaching, take-home modules at paggamit ng iba pang platform bilang pagtuturo sa mga mag-aaral habang wala pang bakuna laban sa  coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na hindi rin siya sigurado kung kakayanin ba itong ipatupad sa bansa ngunit nananatili naman aniya ang kanyang kumpiyansa kay Education Secretary Leonor Briones.

Una rito, umani na pangamba mula sa mga grupo ng guro at mag-aaral ang naturang panukala dahil sa kawalan ng kagamitan at karamihan  sa mga mag-aaral ay walang maayos na internet connection. DWIZ882

Comments are closed.