SUMENTRO sa busilak na pagmamahal ng Diyos sa tao ang isinagawang banal na recollection ng mga opisyal ng Adamson University Parents Teachers Association Basic Education Department (ADU-PTA BED) noong Sabado.
Ang matagumpay na recollection ay isinagawa sa Manresa Retreat House, Banawe, Quezon City na may temang Partnership Goal, “We Stand As One, We Live As One.
Ang magaling, mabait at masipag na si Rev. Fr. Danny Carolino C.M ang siyang nagsilbing recollection speaker sa mga officer ng ADU PTA sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Mer Layson, Vice President Lheslie Edeleon, Secretary Sheila Joy Kua, Treasurer Estrella David, Assistant Treasurer Violeta Dulatre, SHS Teacher Representative, Jesusa Fernandez, Bus. Manager, Mateo Miranda PRO, Jhoanne Queri, Elem Board Member, Joy Nour, Elem Board Member, Gina S. Eclecia, JHS Board member, Lerma Lunar, JHS Board Member, Lorrie Liberato, SHS Board Member; Teresa De Juan, SHS Board Member, Margie Vargas, PTA Volunteer.
Ayon kay Layson, tagos sa puso at napapanahon ang nasabing recollection na bahagi ng pagninilay, ngayong panahon ng Kuwaresma.
“Very timely ang recollection na ito na inisyatiba ni Ma’am Ella David, ngayong lenten session, habang hinihintay ang muling pangkabuhay ng Panginoong Jesus, matapos siyang mabayubay at mamatay sa krus para tayo ay tubusin sa ating mga kasalanan,” ani Layson.
Pagkatapos ng recollection ay isang banal na misa ang isinagawa rin ni Fr. Carolino na sumentro sa pagpapalaganap ng pag-ibig o ‘spread Love’ ang kanyang homiliya.
Comments are closed.