PUMASOK ang Houston Rockets sa isang blockbuster deal kung saan ipinamigay nito si Russell Westbrook sa Washington kapalit ni John Wall.
Nakuha rin ng Wizards ang lottery-protected first-round draft pick. Ayon sa The Athletic, ang draft choice ay para sa 2023.
Batay sa report, dismayado si Westbrook sa direksiyon ng organisasyon makaraan ang paglisan nina coach Mike D’Antoni at general manager Daryl Morey. Nais na rin umanong umalis ni Rockets star James Harden.
Si Westbrook ay may average na 27.2 points, 7.9 rebounds at seven assists sa 57 games sa Rockets sa kanyang isang season sa franchise. Kinuha siya sa Oklahoma City bilang bahagi ng deal na nagdala kay point guard Chris Paul sa Thunder noong Hulyo 2019.
Ang nine-time All-Star ay NBA MVP para sa 2016-17 season nang magtala siya ng record 42 triple-doubles. Si Westbrook ay may average na league-leading 31.6 points na naturang season bukod pa sa 10.7 rebounds at 10.4 assists per game.
Dahil sa trade ay muling makakasama ni Westbrook si Scott Brooks, na siyang coach ng Thunder sa lahat maliban sa 13 games ng unang pitong season ni Westbrook sa franchise.
“Russell’s accomplishments and honors on the court speak for themselves, but his drive and will to win are what separate him as a truly unique player,” sabi ni Brooks sa isang news release.
“As much as I’m looking forward to reuniting with him, I’m equally sad to say good-bye to John. He is one of the toughest and most gifted players I’ve ever been around and we all wish him nothing but the best moving forward.”
Si Westbrook ay may career averages na 23.2 points, 8.3 assists at 7.1 rebounds sa 878 games (861 starts). Nagtala siya ng 146 career triple-doubles, na second all-time sa likod ng 181 ni Hall of Famer Oscar Robertson.
Si Westbrook ay tatanggap ng $41.4 million sa 2020-21 at $44.2 million sa 2021-22. May player option siya na nagkakahalagang $47 million para sa 2022-23.
Nakatakda ring tumanggap si Wall ng katulad na salaries. Kikita siya ng $41.25 million ngayong season at $44.3 sa 2021-22 na may player option na nagkakahalagang $47.4 million sa 2022-23.
Comments are closed.