DINAKIP ng ng mga tauhan ng Pasay City police Warrant and Subpoena (WSS) ang kontrobersyal na si ‘Diwata’ sa kanyang puwesto ng kainan nitong Martes ng umaga.
Kinilala ni Pasay City police chief Col. Mario Mayames, Jr. ang suspek na si Deo Balbuena y Narito, 42-anyos, residente ng Diokno Boulevard, Brgy 76, Pasay City.
Dinakip si Balbuena sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga tauhan ng WSS na pinamunuan ni Lt. Alexander Macarunay.
Inisyu ang warrant of arrest ni Pasay City Metropolitan Trial Court (MeTC) Judge Allan B. Ariola ng Branch 48 noong Oktubre 2, 2018 bunsod sa kinahaharap nitong kasong slight physical injuries.
Gayunpaman, nakapagpiyansa rin si Balbuena sa halagang P3,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. MARIVIC FERNANDEZ