LAGUNA – Nagsagawa ng “Blood Donation Drive” ang pamunuan at mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) Pila Chapter sa Brgy. Pansol, bayan ng Pila.
Pinangunahan ni Municipal Chairman PRC Pila Branch Adelina Fernando, kasamahan nitong mga Volunteers ang naturang proyekto na may temang “Dugong Iaalay Pangsagip ng Buhay”.
Kaakibat ng PRC ang samahan ng Rotary Club, Pila Makiling Eagles Club (PMEC) at si Pansol Brgy. Chairman Danilo Lapugot kung saan nag-donate ang mga ito ng dugo kabilang ang mga residente sa lugar.
Mananatili at patuloy aniyang susuporta ang mga ito sa nasabing proyekto para makatulong sa mamamayan.
Ayon kay Fernando, patuloy aniya nilang ginagawa ang “Blood Letting Project ” na ito sa 17 Barangay ng bayan ng Pila sa loob ng isang buwan para makatulong sa lahat ng mga maysakit na lubhang nangangailangan ng dugo.
Panawagan rin nito sa mamamayan at sa iba’t ibang sektor ng Lipunan na makipag-ugnayan sa kanilang mga Barangay ang lahat ng nagnanais na mag-donate ng kanilang dugo. DICK GARAY