BLOOD LETTING EVENT NG FRATERNAL GROUP UMARANGKADA

CAVITE – UMARANGKADA ang blood letting event na inorganisa ng malaking fraternal group katuwang ang Red Cross Cavite, at iba pang ahensiya ng lokal na pamahalaan na ginanap sa ikaapat na palapag ng mall sa Imus City kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Oliver Dechitan, hepe ng Cavite Scene of the Crime Operative at miyembro ng Gamma Epsilon 1963 International Fraternity and Sorority Cavite Alumni Association, umaabot sa 300 individual mula sa Cavite-SOCO, local government unit, non-government unit at vo­lunteers ang nag-donate ng dugo na libreng ipamamahagi sa mga pasyente.

Nabatid kay Dechitan na bilang miyembro ng nasabing fraternal group na pangkaraniwang nangunguna sa talaan ng Red Cross ay ang mga pasyenteng sasalang sa operasyon at nangangailangan ng blood transfusion.

Sinabi pa ni Dechitan na ang nakolektang dugo ay ipapadala sa Red Cross National Headquarters sa Mandaluyong City kung saan isasalang sa series of blood test bago ito bigyan ng clearance na maaaring gamitin sa mga pasyente.

Malaking bagay ang mas maraming blood letting event sa Cavite na ngayon ay nasa alert level 1 dahik ayon mismo sa pamunuan ng Red Cross na kinakapos sa blood donation sa kasagsagan ng pandemya noong nakakipas na taon.

Dahil sa pagluwag ng galawan ngayon sa Cavite, mas maraming blood letting event ang ginaganap kung saan pumalo sa 70% ang mga nag-donate na lumusot naman sa screening at interview habang ang 30% naman ang hindi pumasa dahil sa puyat, pagod, may maintenance na gamot at underweight.

Bukod sa blood letting, may side event din ang Imus LGU TechVoc School na nagsagawa ng libreng masahe sa mga donors. MARIO BASCO