CAMARINES NORTE – INIULAT ng awtoridad na nagpositibo ang blood sample mula sa Barangay San Nicolas, Talisay sa Bird Flu o Highly Pathogenic Avian Influenza.
Ayon sa Bureau of Animal Industry, ang sample ay mula sa isang itikan sa nasabing bayan.
Ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng PDRRMO, DOH at lokal na pamahalaan ng Talisay ay nagtutulong-tulong upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Nabatid na ang Bird Flu ay isang viral disease na maaaring makahawa sa tao, kaya pinapayuhan ang lahat na mag-ingat.
PMRT