MARAMING narinig ang taumbayan sa Ulat sa Bayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mula sa pagpaparami ng suplay ng pagkain na susi para makontrol ang presyo, hanggang sa umento sa sahod ng government workers, at subsidiya sa electric bill.
Bukod sa pagpapatigil sa POGOs at paninindigan na sa atin ang West Philippine Sea, tumatak din ang bloodless drug war.
Ayon sa Pangulo, tuloy ang laban sa droga pero hindi kailangan ang termination o pagpatay sa suspek.
Mahaba-haba ang palakpak na natanggap ng Pangulo sa pahayag niyang ito.
Para sa bansa natin na relihiyoso, tama ang sinabi ng Pangulo na labanan ang driga pero hindi kailangang pumatay.
Kumbaga, reformation o pagbabago para sa nagkasala ang dapat.
Higpitan ang mamamayan sa maling gawain at aktibidad at maaari itong gawin sa pamamagitan ng kampanya laban dito.
Panahon na rin para mapalakas ang values ng sangkatauhan at pagpapahalaga sa buhay.
Higit sa lahat, respeto sa kapwa.