MAKATAO, naaayon sa batas at walang pagdanak ng dugo na pakikipaglaban sa sindikato ng droga ang dapat na pinaiiral ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang nauna nang atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga operasyon ng PNP laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad.
Tinukoy ng Pangulong Marcos ang operasyon laban sa ilegal na droga, smuggling, illegal gambling, private armed groups, at human trafficking at ang walang pagdanak ng dugo sa operasyon ay kahanga-hanga.
Ayon sa Pangulo na panauhing pandangal. sa 123rd Police Anniversary, hindi lamang naging mabisa ang paglaban sa droga kundi naipatutupad pa ito ng legal at naaayon sa umiiral na batas.
Kaya naman pinuri rin ng Pangulong Marcos ang pagbababa ng crime rate partikular na sa mga crime-prone area gayundin ang mas pinaigting na patrol operations gayundin ang pagdaragdag ng police deployment.
Kaya’t habilin ang Pangulo sa mga pulis na manatiling disiplinado, patas at walang tinatago.
Pinatitiyak din nito na mapapanagot ang mga tiwaling pulis at mahaharap sa mga kaukulang parusa.
Bago ang programa, iprinisinta ng PNP kay PBBM ang mahigit sa kalahating bilyong pisong halaga ng mga bagong sasakyan, baril at iba pang gamit
Kabilang sa mga personnel carrier, light motorcycle,transport vehicle, patrol jeep at higit 150 piraso ng 5.56 mm light machine gun.
Pinondohan ang mga ito ng PNP ng kabuuang P553 million sa ilalim ng Comprehensive Capability Enhancement Program.
EUNICE CELARIO