BLU BOYS, BLU GIRLS SASALANG NA

Blu boys and blu girls

NEW CLARK CITY — Sisimulan na ng Philippine softball teams ang kanilang kampanya para sa pinakaaasam na gold medals sa 30th Southeast Asian Games.

Ang Blu Girls ay magkakaroon ng double-header kung saan makakasagupa nila ang Singapore sa alas-9 ng umaga at Malaysia sa alas-2:30 ng hapon sa Villages dito.

Ang mga Pinay ay paborito sa three-day competitions dahil sa pagwawagi ng ginto sa tuwing lalaruin ang sport sa biennial meet.

Pangungunahan ang koponan nina Fil-American Garie Blando, isang short stop na naninirahan sa Las Vegas, at team captain at catcher Ceska Altomonte.

Makakaharap naman ng Blu Boys,  isang dominating force sa rehiyon, ang Thailand sa alas-9 ng umaga.

Sina Marlon Pagkalinawan, Leo Barredo at Reagan Park ang pupukol para sa   Blu Boys na pinalakas ng mga miyembro ng national team na pumangalawa sa 2017 Asian junior championship.

Comments are closed.