NAKATAKDANG umalis bukas patungong Czechoslovakia ang PH men’s softball team para sumabak sa prestihiyo-song Men’s Softball World Championship na papalo sa Hunyo 16 sa Prague.
Ang Blu Boys ay makikipagsabayan sa mga katunggali mula sa 16 bansa sa 10 araw na torneo, na magsisilbing final prepara-tion ng mga Pinoy para sa nalalapit na Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Ang kampanya ng Blu Boys ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman “Butch” William Ramirez.
Ang koponan ay pinalakas ng limang battle-tested pitchers na sina Leo Barredo, Marlon Pagkaliwagan, EJ Sariemento, George Marquez, at Reagan Pareca, at gagabayan ni head coach Ofring dela Cruz, katuwang sina assistant coaches Aex Estipular at Romy Bumagat, at pitching coach Nonong Sta. Maria at Roger Rojas.
Hinati sa dalawang gupo ang mga kalahok sa torneo na may basbas ng International Softball Association.
Nasa Group A ang Pinas, kasama ang host Czech Republic, Japan, Argentina, Mexico, Botswana, Cuba, New Zealand at Cuba.
Nasa Group B naman ang United States, Canada, Venezuela, South Africa, Netherlands at Denmark.
Inamin ni Dela Cruz na mabigat ang kanilang laban dahil pawang magagaling ang kanilang mga katunggali.
“It’s a tough competition. The world’s top softball teams are competing. We are prepared physically and mentally to face all the challenges coming our way,” sabi ni Dela Cruz, isa ring dating national player.
Ang best finish ng Pinas sa torneo ay fourth noong 1968 sa Connecticut, USA. CLYDE MARIANO
Comments are closed.