BLU GIRLS FOURTH SA ASIA CUP

WOMEN’S SOFTBALL

TUMAPOS ang Philippine women’s softball team sa fourth place sa 2023 Women’s Softball Asia Cup makaraang malasap ang 10-5 pagkatalo sa Chinese Taipei noong Sabado sa Incheon, South Korea.

Sa kabila ng kabiguan, ang Blu Girls ay pasok na sa World Cup sa susunod na taon na magkakasamang iho-host ng Ireland, Spain, at Italy.

Kinuha ng Blu Girls ang maagang 4-0 lead subalit umiskor ang Chinese-Taipei ng tatlong runs sa bottom ng first inning upang gawing dikit ang laro. Sa huli ay kinontrol ng Chinese-Taipei ang laro sa tatlong three runs sa third inning.

“I’m so proud with how our girls competed each game, they went toe to toe with the best of Asia and they showed they deserve that World Cup slot,” wika ni ASAPHIL President Jean Henri Lhuillier.

“We will now focus on preparing them for the World Cup and we will ensure that they get the proper training and exposure for that world class competition in July,” dagdag pa niya.

Tinapos ng mga Pinay ang preliminary round na may 5-3 win-loss record upang kunin ang top four finish. Natalo sila sa Japan (1-9), China (2-6), at Chinese-Taipei (0-5).

Sa bisa ng fourth-place finish sa Asia Cup, ang Blu Girls ay napunta sa Group C sa World Cup kasama ang Italy, Japan, Canada, Venezuela, at New Zealand.