BLU GIRLS HANDA NA SA SEA GAMES

Blu girl

DUMATING kama­kalawa ang women’s softball team mula sa isang linggong training sa Korea kung saan sumabak ito laban sa local teams bilang paghahanda sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

“The one week training in Korea is indeed fruitful. Our players learned a lot and enriched their experience,” sabi ni softball official Opring de La Cruz.

“We’re ready to defend our title against our rivals in the region. I am confident we will retain the crown and reaffirm our un-questioned supremacy since softball was included in the calendar of sports in the SEA Games,” aniya.

Kilala sa tawag na Blu Girls, itataya ng mga Pinay ang kanilang titulo kung saan lahat ng katunggali ay nais wakasan ang kanilang dominasyon sa rehiyon.

Bukod sa training ay naglaro ang mga Pinay sa local tournaments para mahasa at magkaroon kumpiyansa sa kanilang title retention campaign.

Ang pagsasanay ng Blu Girls sa Korea ay sinuportahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Chief of Mission William ‘Butch’ Ramirez.

Kamakailan ay naglaro ang Korea sa Asian Softball, kasama ang Japan, China, Chinese Taipei, Thailand at India na ginawa sa Clark Field diamond.

Sinabi ni Dela Cruz, dating  national player, na  malakas ang mga kalaban lalo na ang perennial challenger Indonesia.

“Indonesia is our toughest rival. I am expecting another title confrontation against the Indonesians,” aniya.

Tinalo ng Filipinas ang Indonesia sa finals noong 2015 edition sa Singapore. Hindi nilaro ang softball sa 2017 SEA Games sa Malaysia. CLYDE MARIANO

Comments are closed.