BLU GIRLS LAGLAG NA SA WORLD CUP

BLU GIRLS

NAWALAN ng tsansa ang Philippine Blu Girls na makapaglaro para sa isang finals ticket makaraang yumuko sa Italy, 5-6, sa kanilang playoff rematch sa 17th Women’s Softball World Cup nitong Huwebes.

Kailangan ng koponan na muling talunin ang host Italy upang umabante sa repechage match, at sagupain ang matatalo sa Japan-Canada showdown para sa isang puwesto sa World Cup finals sa susunod na taon.

Mainit na sinimulan ng soft belles ang laro sa pamamagitan ng isang run ni Skylynne Ellazar mula sa bat ni Alaiza Talisik sa first inning.

Naagaw at bahagyang napalobo ng Italy ang kaalamangan sa second frame makaraang ma-convert ang three runs-batted-in (RBI) ng center field hit ni Guilia Koutsoyanopulos, 3-1.

Subalit pumalo si Elzie Dela Torre ng Pilipinas sacrifice fly sa leftfield sa upper third frame, sending home Eliazar at Franceska Altomonte at naitabla ang laro 3-all.

Subalit agad na isinara ni Elsie Dela Torre ng Pilipinas ang point gap at naipuwersa ang 3-3 pagtatabla sa kaagahan ng third inning sa left field fly na nakatulong kina Ellazar at Francesca Altomonte para maka- runs.

Sumagot ang Italy ng dalawang RBIs nina Koutsoyanopulos at Giulia Longhi, 5-3, bago muling tumabla ang Blu Girls via dalawa pang converted runs mula sa right center single ni Altomonte.

Mula sa 5-all deadlock sa fourth frame, kinuha ng Italy ang kalamangan sa sacrifice fly ni McKenzie Barbara upang itulak si Alessandra Rotondo pabalik sa home, 6-5.

May dalawang outs ngunit loaded third at. first bases sa last inning, ang final attempt ng Blu Girls para malamangan ang Italy via hit ni Cristy Joy Roa ay napigilan ng matinding depensa ng Italy kung saan nahuli ng kanilang baseman ang fly ball upang ma-strike out si Roa.

Ang Blu Girls ay naunang nagtala ng back-to-back wins kontra Italy (6-5) at New Zealand (5-3) upang manatiling buhay sa torneo.

Tinapos ng koponan ang kanilang World Cup campaign sa fourth place na may 2-4 win-lose slate.

-CLYDE MARIANO