MATAPOS ang Asian Games, muli na namang sasabak ang mga Pinay sa Macasar Invitational Women’s Softball sa October 16 sa Indonesia kung saan ginawa ang katatapos na Asian Games.
“We received an invitation inviting the Philippines to compete in the tournament,” sabi ni ASAPHIl vice president for Luzon Ofring de le Cruz.
“Indonesia invited our players simply because the Philippines is one of the strongest teams in Asia and reigning Southeast Asian Games and ASEAN Softball champion,” wika ni De la Cruz.
Aniya, mahigit 10 bansa ang lalahok sa weeklong competition, kasama ang Canada, Australia at New Zealand, at ilang koponan mula sa Europe.
“This tournament is much tougher than the Asian Games because teams from Europe are seeing action,” sambit ng dating manlalaro taga Bulacan.
Sinabi ni Dela Cruz na ang torneo ay kasama sa paghahanda ng Blu Girls sa 2019 SEA Games na gaganapin sa bansa kung saan muling itataya ng mga Pinay ang kanilang korona matapos na matagumpay itong maidepensa sa Singapore noong 2015.
Inalis ang softball sa 2017 SEA Games ng host Malaysia sa takot na mapahiya ang kanilang koponan at muling dominahin ng Filipinas.
Subalit, muli itong lalaruin sa biennial meet sa susunod na taon at inaasahang mapananatili ng Blu Girls ang korona na matagal nilang hinawakan at hanggang ngayon. CLYDE MARIANO
Comments are closed.