BLU GIRLS TODO PAGHAHANDA SA 2021 SEAG

Blu Girls

BUBUO si women’s softball team coach Ana Santiago ng malakas na koponan upang mapanatili ang korona sa 2021 Southeast Asian Games.

“I will form a formidable team composed of high caliber  players because I want to preserve the untainted record of the team,” sabi ni Santiago.

Aniya, lalaro ang Blu Girls kontra mga bigating katunggali sa ibang mga bansa sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC)  para mahasa at lumawak ang karanasan bago pumunta sa Vietnam.

“Kailangan ang foreign exposures para gumaling dahil ang ultimate goal namin ay mapanatili ang walang mantsang record sa SEA Games,” wika ni Santiago.

Matatandaang naglaro ang mga Pinay sa Canada at USA bago ganapin ang SEA Games sa Pinas noong Disyembre at winalis ang lahat ng mga kalaban, kasama ang mahigpit na karibal na Indonesia.

Ani Santiago, magi­ging full blast ang training ng mga player sa sandaling bumalik sa normal ang sitwasyon at makontrol ang COVID-19 pandemic.

“We have few months to prepare because the SEA Games will be held next year. We will maximize our training and preparation,” pahayag ni Santiago.

Maraming beses na ginabayan ni Santiago ang Adamson University women’s softball sa titulo sa UAAP at hanggang ngayon ay nananatiling champion ang Lady Falcons.

“It will be the mission of Santiago to come up with formidable and highly competitive team,” sabi ni softball association general manager Ismael Veloso.

“Our ultimate goal is to keep the title we won in 2005 and we are determined to re-assert our dominance of softball in the region,” sabi pa ni Veloso, dating player na naglaro sa University of the Philippines sa UAAP.

Bukod sa kanilang dominasyon sa SEA Games, ang Blu Girls ay panlima sa Asia sa likod ng Japan, Korea, Chinese Taipei and China.

Ang softball ay kasama sa team sports na lalaruin sa Vietnam. Ang iba pa ay basketball, volleyball, at football. CLYDE MARIANO

Comments are closed.