ATENEO libero-captain Roma Mae Doromal: 13 receptions at 8 digs sa straight-set win laban sa UP. UAAP PHOTO
Mga laro sa April 3:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – NU vs UE (Men)
12 noon – UST vs AdU (Men)
2 p.m. – NU vs UE (Women)
4 p.m. – UST vs AdU (Women)
NANATILI ang Ateneo sa kontensiyon sa UAAP women’s volleyball Final Four.
Umiskor si Zel Tsunashima ng 16 points, kabilang ang 3 blocks, habang nakakolekta si libero Roma Mae Doromal ng 13 receptions at 8 digs upang pangunahan ang revitalized Blue Eagles sa 25-14, 25-20, 25-15 panalo laban sa University of the Philippines kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Makaraang itulak ang nangungunang University of Santo Tomas sa limang sets noong nakaraang Miyerkoles, napanatili ng Ateneo ang kanilang high level of play upang mapahigpit ang kapit sa fifth spot na may 3-6 record.
“I’m so happy. This two weeks was so hard we played four times but the most important, our play continued at the same level. All these matches, the players played very well,” sabi ni Blue Eagles’ Brazilian coach Sergio Veloso.
Ang Ateneo ay kumakatok ngayon sa Final Four dahil ang Katipunan-based side ay naghahabol lamang sa Far Eastern University (4-4) ng one-and-a-half game sa karera para sa No. 4 spot.
Susunod na makakaharap ng Blue Eagles ang Lady Tamaraws sa duelong maaaring maging turning point ng koponan sa season sa April 4.
“I’m very happy sa performance ng team and hopefully sa susunod na games namin mas maging aggressive pa kami and i-embrace pa namin ‘yung system ni coach Sergio, and hopefully makuha talaga namin yung Final Four,“ wika ni Doromal, nagsisilbi ring team captain ng Ateneo.
Ang defending champion La Salle ay kumarera sa kanilang ika-5 sunod na panalo noong Sabado at ika-7 sa kabuuan sa walong laro kasunod ng 25-19, 25-21, 25-18 pagbasura sa FEU.
Nagbuhos si reigning MVP Angel Canino ng 15-points at 10 receptions habang gumawa si setter Julia Coronel ng 16 excellent sets na sinamahan ng blocks para sa Lady Spikers.
Kumana si Sobe Buena ng 2 service aces para sa 10-point outing na sinamahan ng 7 digs, nagdagdag si Lyann de Guzman ng 8 points, kabilang ang 2 blocks, habang umiskor din si AC Miner ng 8 points para sa Blue Eagles.
Sa kabila ng pagbabalik ni ace middle blocker Niña Ytang, ang Fighting Maroons, ang second-best blocking team ng liga, ay nag-struggle sa kanilang strong point.
Ang UP ay nagtala lamang ng 4 blocks, kumpara sa 7 ng Ateneo.
Nagtala si Steph Bustrillo ng 8 points habang nagdagdag sina Ytang at Irah Jaboneta ng tig-5 points para sa fFighting Maroons, na winalis ng Blue Eagles sa kanilang elimination round head-to-head at nahulog sa 1-8 overall.