SINUSPINDE ng Philippine National Police (PNP) ang Body Mass Index bilang requirement para sa computation ng Physical Fitness Test Rating na naging basehan para sa promotion.
Ang ang BMI requirement ay alinsunod sa PNP MC 2020-029 na may titulong Revised PNP Comprehensive Health and Physical Fitness Program na may petsang Abril 20, 2020 at ipinatupad sa panahon ni dating PNP Chief Ret. Gen. Archie Gamboa.
Bagaman naging epektibo ito upang panatilihin ng mga pulis ang magandang kalusugan sa tamang timbang, ito ay sinuspinde na batay sa memorandum na pinaikot ng The Directorate for Human Resource and Doctrine Development na may lagda ni MGen Jon Arnaldo.
Nakasaad din na aprubado ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang suspensiyon ng BMI computation.
Ipinaalam na rin sa lahat ng unit command ang suspensiyon at umaasang maipatutupad ito.
EUNICE CELARIO