BOC ALERTO SA UKAY-UKAY

Vincent Philip Maronilla

NAKA-HEIGHTENED alert na ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa pagpasok ng mga ukay-ukay at iba pang mga produkto mula sa bansang China.

Sinabi ni  Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla  na ang pag-alerto ay upang makasiguro na hindi makakapasok sa bansa ang novel coronavirus (nCoV).

Sa kabila naman  ito na hindi tinukoy ng Department of Health (DOH)  ang mga damit na maaring magdala ng viral disease mula sa Wuhan, China.

“Actually ang binabantayan namin ‘yung paghihigpit. And at the same time there could be some economic effects for this one. China is, I must say is our biggest trader,” sabi ni Maronilla.

Sa ngayon  ay mas prayoridad ng ahensiya ang kaligtasan ng sambayanan maliban sa  kung ano ang makokoletang buwis sa pagpasok ng mga produkto sa bansa.

“We are on high alert on anything that has the possibility of opening our country to the entry of the virus thru any abuse of the Customs processes,” giit pa ni Maronilla.

Nakaalerto  na rin ang  inter-agency task force  para  bantayan ang mga  produktong posibleng  mayroong  kontaminasyon ng  nabanggit  na  nCoV.

Pinaliwanag ni Maronilla na ang BOC ay hindi lamang involved sa paparating na goods at maging ang boarding formalities gaya ng CIQS (Customs Immigration Quarantine Services ).

“We wanted to protect our people and at the same time minsan kasi ‘yung mga ganyang viruses bi­nabantayan natin ‘yung bulk ng goods na dumarating,” dagdag pa nito. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.