BOC, BI NAGSANIB SA E-TRAVEL SYSTEM

INIHAYAG kahapon ng Bureau of Customs (BOC) ang integration ng E-Travel System ng Bureau of Immigration at kanilang E-Travel Customs System.

Paliwanag ng BOC, ang integration ng Electronic Customs Baggage Declaration Form (e-CBDF) at Electronic Currencies Declaration Form (e-CDF) sa e-Travel System ng BI ay magpapadali sa data collection processes para sa mga pasahero at crew members na dumarating sa Pilipinas.

Bukod dito, mapapadali na rin ang pagtanggap ng Customs sa mga impormasyon para sa risk profiling ng mga paparating na pasahero.

“This enhances the overall passenger experience and enables the BOC to receive advanced information for effective risk profiling. Additionally, timely sharing of information with AMLC and BSP strengthens the nation’s commitment to combat money laundering and ensure financial security,” paliwanag ni BOC Comm. Rubio

Makakatulong din ito para mapalakas ang paglaban ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council sa money laundering at pagtiyak ng financial security.

Tiwala rin si Rubio sa potensyal ng E-Travel Customs System’s para ma- revolutionize ang customs processes.

“ We are dedicated to advancing our customs practices, aligning with global standards, and safeguarding the interests of our nation,” anang commissioner kasunod ng pagkilala sa kanilang partnership kasama ang BI, DICT, BSP at AMLC. VERLIN RUIZ