ANG Department of Finance (DOF) ay nagsusulong ng mga makabagong paraan upang mapabuti ang tax at customs administration sa ilalim ng pamumuno ni Finance Secretary Raph Recto.
Ang ilan sa mga inisyatibo ng DOF ay ang mga sumusunod:
- Mabilis na pagpapatupad ng Ease of Paying Taxes Act na naglalayong gawing mas madali, mabilis at mahusay ang pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya,at pagbutihin ang mga proseso
- Pagpapalakas ng kampanya laban sa mga tax evader at smuggler sa pamamagitan ng paggamit ng mga data analytics, risk management at iba pang tools upang makilala at maparusahan ang mga lumalabag sa batas
- Pagpapatibay ng ugnayan ng BIR at BOC upang mapadali ang paghahatid ng mga serbisyo at impormasyon sa mga taxpayer at importer
- Pagpapatupad ng isang integrated system para sa pre-border verification na magbibigay ng mas mabuting mekanismo para sa pag-check ng mga dokumento at presyo ng mga imported na produkto bago ito makarating sa Pilipinas
- Pagpapasa ng mga batas na magpapalawig sa saklaw ng Value Added Tax sa mga digital na transaksyon at serbisyo upang makalikha ng mas maraming kita mula sa mga digital service provider na naka-base sa ibang bansa.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng DOF na makolekta ang target na P4.3 trilyon na revenue para ngayong taong 2024 na siyang pinakamataas na koleksiyon sa kasaysayan ng bansa.
Mahalaga, ayon kay Secretary Recto, na magtulungan ang BIR at BOC upang matiyak ang sustainability at pondohan ang mga programa ng gobyerno para sa social welfare at infrastructure develooment.
Ang digital business ay isang uri ng buwis na inilalapat sa mga serbisyo at trasaksiyon na ginagawa sa pamamagitan ng technolohiya, imprastraktura, serbisyo at data upang makolekta ang tamang buwis mula sa mga digital service provider.
Sa kasalukuyan, walang batas na partikular na tumutukoy sa digital/online na mga transaksiyon o serbisyo sa Pilipinas. Gayunman, may ilang panukalang nakabimbin sa Kongreso na naglalayong magpatupad ng 12% VAT sa lahat ng digital na transaksiyon sa bansa upang makalikha ng bagong pagkukunan ng pondo.
Ang mga digital service provider na naka-base sa ibang bansa sy obligadong magrehistro sa BIR st magbayad ng buwis sa Pilipinas kung ang kanilang serbisyo ay ginagamit ng mga residente sa Pilioinas at ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
- Electronic marketplace (e-marketplace) Operators – mga platform na nagbibigay-daan sa mga seller/merchant ng mga kalakal at serbisyo na makipag-ugnayan sa mga mamimili sa pamamagitan ng internet, gaya ng Lozada, Shopee, Zalora at iba pa
- Digital Financisl Services Providers (DFSPs) – mga platform na nagbibigay-daan sa mga transaksiyon ng pera sa pamamagitan ng internet, halimbawa ay Gcash, PayMaya, Paypal at iba pa
- Online Advertiding Services – mga platform na nagbibigay-daan sa mga advertisers na magpaskil ng mga anunsiyo sa internet, halimbawa ay Google ads, Facebook ads at iba pa.
Ang mga e-marketplace operator at DFSP ay may obligasyon na mag-withhold ng buwis sa mga sellers/merchants ng mga kalakal at serbisyo na gumagamit ng kanilang platform.