BOC-CEBU SEIZES ‘GLUTINOUS RICE’ CARGO MISDECLARED AS WHITE RICE

GLUTINOUS RICE

MULING nakaiskor ang pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) sa Cebu nang masabat nila ang  limang 20-footer container vans ng malagkit na bigas na idineklarang puting bigas mula sa Vietnam.

Ang limang container vans ay bahagi ng 10 container vans cargo na nadiskubre ng Cebu port na nagtataglay ng “super malagkit” rice.

Nag-isyu si Atty Charlito Martin Mendoza, acting district collector ng BOC’s Cebu port, ng warrant of seizure and detention (WSD) laban sa shipment na naka-consign sa  Sagetics Enterprises na dumating sa Cebu International Port (CIP) noong Nobyembre 12, 2019.

“The examination of the shipment was conducted by the assigned examiner, Marc Henry Tan, together with representatives from members of CREST (compliance and regulatory enforcement for security and trade) of the Department of Agriculture, representatives from Bureau of Plant Industry and Philippine Drug Enforcement Agency,” sabi ni Mendoza sa kanyang  WSD order na inisyu noong  Disyembre 19.

Nalaman ng customs examiner na ang shipment ay nagtataglay ng “misdeclared goods, lalo na ang 20-footer container vans na nagtataglay ng malagkit” na bigas, dagdag niya.

Sinabi niya na ini­rekomenda ni Tan ang pagkumpiska na buong shipment.

Lumabag ang Sagetics sa Section 1400 in relation to Section 1113 ng Republic Act 10863, o ang tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act, sa hindi pag­dedeklara ng tunay na laman ng lima sa sampung container vans.

Pero sinabi ni lawyer Kenneth Kern Sesante, chief of the Auction and Cargo Disposal (ACDD) of BOC-Cebu, na ang shipment ay ilalagay sa ilalim ng forfeiture proceedings at maaa­ring maharap sa tunay na pagkabawi nito kung ang Sagetics ay hindi matutugunan ang hindi pagdedeklara ng mga kagamitan.

“It’s basic in our jurisdiction to give the consignee due process during the forfeiture proceedings,” ani Sesante sa isang panayam.

Nakita sa record na ang Sagetics ay nagproseso ng shipment ng malagkit na bigas mula sa Vietnam sa ilalim ng customs import entry number C-42636-19 na may ipinakitang bill of lading number ASC0212193.

Nag-order si Mendoza kay Capt. Jerry Arizabal, hepe ng Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC-Cebu, na kumpiskahin ang shipment “and take custody of the same and to strictly observe Customs Memorandum Order No. 8-84 on making a return of service and submission of inventory or list of articles seized.”

Ang 10 container van ay nasa pagbabantay sa CIP yard.