BOC INIUTOS ANG MABILIS NA PAG-RELEASE NG FACE MASKS

FACE MASK

BILANG patugon sa pagtaas ng demand sa face o surgical masks sa bansa dala ng  COVID-19 o 2019 Coronavirus Disease epidemic, ipinag-utos ng Bureau of Customs (BOC) ang mabilis sa pag-release ng mga ito.

Ang hakbang ng BOC  ay  bilang pagsuporta sa pamahalaan para mapunuan ang pagtaas ng demand ng face mask sa buong bansa.

Ayon sa record ng BOC, mula noong Enero  hangang sa ngayon ay  umaabot na sa 210 boxes ang nailabas sa bakuran ng Bureau ng Customs.

Habang sa Port of Davao, nasa 210 cartons at 5 packages ng face o surgical masks ang kanilang pinalabas nitong Enero at karagdagan na  10 boxes at 115 pieces ng face/surgical masks nitong Pebrero.

Ang pagpapabilis sa paglalabas ng mga face masks ay isang commitment ng  BOC para sa publiko  at isang mandato upang maproteksiyunan ang kapakanan ng taumbayan sa kinatatakutang sakit. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.