MAYNILA -NAG-DONATE ang Bureau of Customs (BOC) ng iba’t ibang goods sa Office of the Civil Defense (OCD), Department of National Defense (DND), at sa mga mahihirap na Filipino na apektado ng Enhance Community Quarantine (ECQ).
Ito ay batay sa kautusan ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez .
Noong Martes pumirma ang BOC ng Deed of Donation para sa 320 containers ng bigas, 186 containers ng frozen bonito, mackerel, moon-fish, squid at round scad na inabandona sa Manila International Container Port (MICP).
Ang naturang donasyon, ito ay alinsunod sa Joint Administrative Order no. 20-01 at pursuant to Section 1129 and 1130 of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), na may kinalaman sa abandone at forfeited cargoes sa bakuran ng Customs.
Bago ito ipinalabas ito ay dumaan sa masusing eksaminasyon ng Bureau of Plant Industry (BPI) at ng Bureau of Fisheries ang Aquatic Re-sources (BFAR), upang masiguro na ito ay fit for human consumption.
Sa ilalim ng Section 1141 (Mode of Disposition) ng CMTA, ang lahat ng mga for disposal cargoes sa kustudiya ng BOC ay maaring i-donate ng may pahintulot ang Kalihim ng pananalapi o Secretary of Finance o kaya ipadaan sa public auction sa pamamagitan ng newspaper publication of general circulation. FROI MORALLOS
Comments are closed.