BOC-NAIA PABIBILISIN ANG PAGHAHATID NG RELIEF GOODS SA MGA NA-‘OMPONG’

RELIEF GOODS

NAKAHANDA ang Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na tumulong para mapadali ang pag-release ng mga relief goods na ipadadaan  sa NAIA  bilang tulong ng mga karatig na bansa sa mga biktima ng bagyong Ompong.

Ayon kay NAIA district collector Mimel Talusan, mamadaliin nila ang pagproseso ng mga clearance sa mga darating na tulong para sa mga nasa­lanta ng bagyong Ompong  galing sa ibang bansa.

Nakarating sa kaalaman ni Talusan na magdo-donate ang Australia ng mga kagamitan na umaabot sa  halagang  A$800,000 katumbas ng P31 million bilang humanitarian assistance para sa mga biktima ng  bagyo.

Ang sinasabing tulong ng Australia ay inaasahan na darating sa NAIA sa susunod na linggo na  kinabibilang ng mga kumot, sleeping mats, hygiene at shelter kits para sa 25,000 katao.

Batay sa report ng Pagasa, si Ompong ang pinakamalakas na bagyo na pumasok sa Filipinas sa taong ito at ang  Hilagang Luzon ang nakaranas ng  lakas nito. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.