BOC-NAIA  PATULOY ANG SERBISYO SA BAYAN

SA kabila ng total lockdown sa buong Luzon na ipinatutupad ng pamahalaan dulot  ng  coronavirus, hindi alintana ng ilang tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na   matakot sa sakit na ito.

Patuloy na nagseserbisyo o nagtratrabaho ng 24 hours ang  mga cargo warehouses sa NAIA  upang mapadali ang release ng  medical supplies, face mask, ventilators, PPEs at test kits   na gagamitin ng medical staff at rescuers na nakikipaglaban sa COVID-19.

Ayon sa report , umaabot na sa 4,669 shipments ng PPEs, at ang 3,430 ay dumaan o naipa-release sa BOC-NAIA habang ang iba ay naipalabas sa  mga ports ng MICP, Cebu, Clark at Limay.

Bumuo rin  ang BOC -NAIA ng isang One Stop shop na  tututok sa pagpapa-release ng medical supplies. FROI MORALLOS

Comments are closed.