BOC NAKAALERTO SA ARRIVAL NG COVID-19 VACCINES SA NAIA

NAKAALERTO ang Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang ipag-utos ng pamahalaan na paghandaan ng mga ito ang pagdating ng vaccines sa darating na Linggo.

Bilang pagsunod sa kautusan nagsagawa ang ilang ahensiya ng gobyerno ng isang simulation exercise of cold chain logistics and management ng COVID- 19 vaccines nitong nakalipas na Pebrero 9 para sa maayos na pagpapalabas nito.

Kabilang sa mga lumahok ay ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID),National Task Force (NTF),Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government, Food and Drug Administration, Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang government agencies at private organizations.

Sinimulan ang simulation mula sa arrival of goods sa airport with pre-customs clearance ng BOC NAIA One-Stop-Shop, transportation ng vaccines, unloading, receiving, inspection ng vaccines sa cold chain storage facility at sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ang layunin ng ginawang simulation ay upang madetermina ang effective at efficient flow ng distribution process sa COVID-19 vaccines magmula sa airport hanggang sa health facilities ng pamahalaan.

At upang hindi maantala ang pag release ng mga ito, bagkus maprotektahan din ang bansa sa pagpasok ng unregistered o pekeng mga vaccines. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.