NAGALIT si Pangulong Rodrigo Duterte matapos malaman na ang nakumpiskang mahigit na 23,000 sako ng smuggled rice sa Zamboanga City ay nawala kasabay ng pagsuspinde sa mga opisyal ng Bureau of Customs at National Food Authority.
“The Executive Secretary asked me to tell the nation that the President has ordered an immediate investigation of this incident and that instructions were given for both NFA OIC and Customs Commissioner to immediately place on preventive suspension individuals who may be part of this scheme,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ginanap na press briefing sa Malakanyang.
Makaraang matanggap ang direktiba mula kay Pangulong Duterte ay agad na sinuspinde ni Customs Commissioner Isidro Lapeña sina Zamboanga District Collector Lyceo Martinez at Customs Police District Commander Felimeno Salazar.
“Patuloy pa rin ang imbestigasyon alinsunod sa kautusan ng ating Pangulo,” pagtiyak pa ni Roque.
Gagawin aniya ng pamahalaan ang lahat upang mabawi ang mga nakumpiskang bigas na nawala sa Port of Zamboanga.
Sinabi ni Roque na aabot na rin sa 16,000 sako ng bigas ang nabawi ng mga awtoridad sa iba’t ibang warehouses sa Zamboanga.
Samantala, inaasahang pakikinabangan ng halos 4,000 magsasaka at kanilang pamilya ang katatapos na konstruksiyon ng Mal River Irrigation System (Mal RIS) sa Davao del Sur.
Ang naturang proyekto na pinondohan ng Japan International Cooperation Assistance (JICA) para tugunan ang farming activities sa nabanggit na rehiyon.
“Ito ang kauna-unahang proyektong natapos ng National Irrigation Sector Rehabilitation and Improvement Project (NISRIP),” wika ni Roque.
“Ito ay magbibigay ng sapat na tubig sa 2,635 hectares na agrikulturang lupa sa mga bayan ng Matanao, Kiblawan, at Hagonoy,” dagdag pa ni Roque. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.