BOC WINASAK ANG P17-M SMUGGLED NA SIGARILYO SA ZAMBO CITY

smuggled cigarette2

SINIRA ng Bureau of Customs (BOC) kama­kailan ang  PHP17.3 million halaga ng smuggled imported cigarettes na nakumpiska rito sa pier ng Zamboanga City.

Pinangunahan ni Segundo Sigmundfreud Barte Jr., BOC-Zamboanga district collector, ang pagsira sa mga nakumpiskang mga sigarilyo na isinagawa pagkatapos ng flag ceremony sa local port.

Sinabi ni Barte na ang smuggled imported cigarettes ay nasabat nitong weekend ng mga tropa ng Marine Battalion Landing Team-11 (MBLT-11) sa Barangay Arena Blanco sa siyudad.

Ang mga nakum­piskang kontrabando ay bumubuo sa 575 master cases ng imported na sigarilyo. Bawat  master case ay nagka-kahalaga ng PHP30,000 o may total na PHP17.3 million.

Sinabi ni Barte na ang shipment ng smuggled na sigarilyo ay nasabat matapos na makatanggap ng impormasyon ang MBLT-11 troops ng mga kargo na idinidiskarga sa finger wharf, na ilang metro lamang ang layo sa barangay hall ng Arena Blanco.

Tinulungan ng mga tauhan mula sa Philippine Coast Guard (PCG), MBLT-11 ang mga tauhan ng BOC sa pagsira ng mga ki-numpiskang sigarilyo. Bawat karton ng sigarilyo ay hiniwa ng blade at hinati. Ang mga sigarilyo ay sinira sa harapan ng publiko.

“It is very costly to rent a payloader to destroy the confiscated cigarettes,” dagdag ni Barte.

Sinabi niya na ang pagsira sa mga sigarilyo ay magsisilbing babala sa mga smuggler na tigilan na ang ka-nilang mga gawaing ilegal.        PNA

Comments are closed.