‘BOCHA’ NAGKALAT SA PALENGKE

bocha

CAVITE – MAY nakaambang panganib sa kalusugan ng mga residente at iba pa kapag hindi inaksiyunan ng kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan ang lantarang bentahan ng double-dead meat (bocha) ng baboy at manok sa pamilihang bayan sa Barangay 27 Caridad, Cavite City sa lalawigang ito.

Sa impormasyong nakalap ng PILIPINO Mirror, kinukumpiska lang ng mga awtoridad ang kilo-kilong double-dead meat at hindi umano  kinakasuhan ang mga suspek kaya patuloy ito sa pagbebenta ng karne ng baboy at manok na sinasabing hindi nakapasa sa pagsusuri ng kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan.

Kinakailangang kasuhan ang sinumang naaktuhang nagbebetna ng double-dead meat base sa paglabag sa Republic Act 9296 as amended by RA 10536 also known as the Meat Inspection Code of the Phils.

Ipinagbabawal sa bansa ang pagbebenta ng double-dead meat ng baboy at manok na sinasabing namatay sa sakit dahil ito ay mapanganib sa kalusugan ng tao kaya may kaparusahan ang sinumang lalabag sa nasabing batas na may P1,000 hanggang P10,000 multa at anim na buwang pagkakulong na hindi lalagpas sa limang taon.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na nakakumpiska ang mga aw-toridad ng 16 kilong bocha sa nasabing pamilihang bayan kung saan kinumpiska ito subalit pinalaya lamang ang suspek.   MHAR BASCO

Comments are closed.