BULACAN – MAHIGIT sa P100,000 ang halaga ng iba’t ibang uri ng paputok ang nasamsam ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sa report na ipinadala ni Supt. Mark April Young kay PNP Provincial Director, Sr. Supt. Chito Bersaluna, kinilala ang suspek na si Mel Gumasing y Gatchalian, 50-anyos ng Sitio Diliman Partida, Brgy. Pulong Buhangin, Sta.Maria.
Ganap na alas-6:00 ng umaga nang isagawa ang buy bust operation.
Inamin ng suspek na hindi pa niya natapos ang pagkuha ng permit ng kanyang MGG fireworks trading.
Matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang pag-iisyu ng lahat ng mga permit sa mga negosyante ng paputok.
Aniya, binibili lamang sa mga manufacturer ang kanyang mga ibinibentang paputok.
Maging ang walong sako ng kwitis ay ibinibenta niya sa mga backyard manufacturer sa bayan ng Bocaue. T. ARCENAL