BODEGA NG PEKENG YOSI NI-RAID NG BOC

yosi

SINALAKAY ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Malabon City, kung saan nakatago ang mga pekeng sigarilyo.

Alinsunod sa kampanya laban sa smuggled na sigarilyo, ni-raid ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (ESS-QRT) at ng  Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang bodega na  matatagpuan sa Barangay Tugatog, Malabon City at nakumpiska ang 196 master cases ng pekeng sigarilyo na tinatayang aabot sa P6.5 milyon ang halaga.

Bitbit ng raiding team ang Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ngunit, wala ang may-ari ng warehouse ng pasukin ito.

Nakatakdang kasuhan ng ESS ang may-ari ng warehouse sanhi sa paglabag ng Section 1400 of R.A. 10863 also known as the Customs Modernization and Tariff Act, at sa provisions ng R.A. 8424, tinatawag na National Internal Revenue Code of the Philippines. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.