BODEGA NG TOYO, SUKA NAGLIYAB: 2 BUMBERO NALAPNOS

SUGATAN ang dalawang bumbero nang sumiklab ang sunog sa isang bodega ng toyo at suka sa Barangay San Bartolome Novaliches, Quezon City nitong Lunes.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikalimang alarma ang sunog bandang alas-4:06 ng hapon na nagsimula sa bodega ng Piñasarap Corp., ang kumpanyang gumagawa ng marca piña soy sauce sa P. Dela Cruz St., sa nasabing barangay.

Bandang ala-5:26 ng hapon nang tuluyang maapula ang apoy.

Batay sa inisyal na impormasyon, isang storage ng mga packaging na gamit sa finish products ang natupok ng apoy.

Dalawang fire volunteers naman ang nagtamo ng minor injury sa katawan.
Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog na umabot sa ikalimang alarma. EVELYN GARCIA