ISABELA-NASA P2.5 million ang halaga na nasamsam na mga pekeng sigarilyo sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Custom, Santiago City Police Station 1, at ng City Intelligence Unit, kabilang sa sumama sa operasyon ang isang malaking kompanya ng sigarilyo sa Brgy. Mabini, Santiago City.
Nakilala ang naaresto ng awtoridad kabilang ang isang Chinese na si Fubin Huang, 25-anyos, binata at si Tonron Quejada, 23-anyos, kapwa residente ng lungsod ng Santiago.
Natuklasan ang mga pekeng sigarilyo matapos na isilbi ng awtoridad ang inilabas na Letter of Authority ng Bureau of Custom sa pangungguna ni Special Agent Daniel Santos sa nagmamay-ari ng warehouse kung saan nakatago ang mga pekeng sigarilyo.
Nang halughugin ng reading team ang nasabing bodega ay tumambad sa awtoridad ang mga panindang laruan ng bata, plastic ware at karton-karton na naglalaman ng mga pekeng sigarilyo.
Ayon kay Brgy. Kagawad Dominador Fragata, ng Mabini Santiago City, na nakipag-ugnayan ang mga pulis at kinatawan ng BOC sa kanilang barangay at ipinakita ang Letter of Authority upang halughugin ang isang warehouse o bodega na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga pekeng sigarilyo. IRENE GONZALEZ
Comments are closed.