(Bodega sinalakay ng CIDG) P46-M UKAY-UKAY NASAMSAM

BULACAN – SINALAKAY ng mga  tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 (RFU 3) ang ilang warehouse o bodega ng smuggled na Ukay-ukay sa siyudad ng Meycauayan katuwang ang Bulacan Police Provincial Office nitong nakaraang Miyerkules.

Sa report ni Acting CIDG Director BGen Nicolas  D Torre-III, kinilala ang isa sa apat na suspek na si  alyas Shawn at alyas Liang at 3 iba pa na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa  R.A. 4653 (An Act Prohibiting the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags).

Sa pinaigting na “Oplan Megashopper” ng CIDG-3 at sa tulong ng mga concern citizen natukoy ng mga awtoridad ang mga bodega ng Used Clothes mula sa ibang bansa.

Tinatayang aabot sa higit P46 milyong halaga ng mga nakumpiskang ukay-ukay.

Habang isang Isuzu truck na puno ng assorted business documents at 23,614 bundles of assor­ted used imported clothing (ukay-ukay), passports, at identification cards.

Iginiit ng opisyal na ang mga ganitong operasyon ay patunay ng kanilang dedikasyon sa paglaban sa mga mapagsamantalang negosyante na sumisira sa ekonomiya ng bansa.

THONY ARCENAL