DAANG piraso ng Boga at kwitis ang nasamsam ng Cavite PNP sa mga bayan at lungsod sa nasabing lalawigan kung saan sinasabi ng DOH na ang mga ito ang pangunahing sanhi ng fireworks related injuries (FRI) simula Disyembre 2024 hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon nitong Enero1, 2025. Kuha ni MHAR BASCO
UMABOT sa 534 katao na karamihan ay tinedyer ay sangkot sa Fireworks Related Injuries (FRI) simula noong Disyembre 22,2024 hanggang Enero 2, 2025.
Ayon sa Department of Health, pangunahing sanhi ng FRI ay ang Boga at kwitis kung saan aabot sa 90 katao ang nasabugan ng kwitis habang aabot naman sa 79 katao ang nasugatan sa Boga kung saan karamihan sq mga biktima ay nasa edad 19-anyos na may kabuuang 322 kaso.
Gayunpaman, sa pag-iikot ng mga kawani ng DOH sa mga ospital partiklar na sa Phil. General Hospital ay nadiskubreng may 3 kabataan ang naputulan ng daliri habang sa ibang pagamutan naman ay umabot sa 17 kabataan ang nasugatan dahil sa Boga at kwitis nitong Enero 2, 2025.
Naitala rin sa Tondo Medical Center na may 56 kaso ng pagsabog ng boga at kwitis kamakalawa ng gabi (Enero 1, 2025) kung saan naitala rin ang 29-katao na sinasabing nakainom ng alak ang nasuagatan dahil sa firecrackers kung saan sinasabing ang isa ay isasailalim sa amputation ng mga daliri.
Samantala, binabantayan naman ng DOH ang mga kaso ng non-communicable diseases tuilad ng acute stroke, acute coronary syndrome at bronchial asthma kung saan tumaas ang bilang ng mga pasyenteng nagka-stroke sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Umaabot na sa 146 pasyente na may edad 45-anyos hanggang 65-anyos ang na-stroke nitong Enero 2, 2024 kung saan dalawa na ang namatay kung saan aabot sa 140 stroke cases ang naitala ng PGH habang 41 naman sa Tondo Medical Center.
Sa kaso ng acute coronary syndrome ay aabot sa 63 katao na may edad 55 hanggang 74-anyos ang kasalukuyang nasa PGH habang aabot naman sa walo ang nasa Tondo Medical Center.
Hinikayat naman ng DOH ang publiko na pahalagahan ang kalusugan ngayong 2025 kung saan umiwas sa labis na pagkain ng maalat, matamis at matatabang pagkain at labis na pag-inom ng alak kung saan ang masamang epekto ngh pagpapaputok ay panghabamgbuhay na kalagayan kung saan putol ang daliri,kamay, sunog ang balat pagkabulag at maging sakit sa baga.
MHAR BASCO