WALA pa ring supply ng kuryente sa malaking bahagi ng Bohol, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command head Col. Gerry Besana.
Gayunman, bagaman walang kuryente back to normal ang kalagayan ng nasabing probinsiya.
Aniya, makikipagpulong ang AFP sa mga iba’t ibang ahensiya para pag-usapan ang nasabing panunumbalik ng suplay ng kuryente.
Nauna rito sinabi nig National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na labis na tinamaan ng bagyong Odette ang Bohol kaya malaking bahagi nito ang naapektuhan at nawala ang suplay ng kuryente.