(BOI kumpiyansang maaabot) P1.5-TRILLION INVESTMENT TARGET

BOI-1

KUMPIYANSA ang Board of Investments (BOI) na maaabot nito ang P1.5 trillion investment pledges target ngayong taon.

Ayon kay Trade Undersecretary at BOI managing head Ceferino Rodolfo, ilang malalaking renewable energy (RE) projects ang inaasahang maaaprubahan ngayong taon.

“These renewable energy projects are really big, that’s why we are confident that we will hit the PHP1.5 trillion [target],” aniya.

“At least five RE projects are [expected to be approved]. At the very least, the average is around $2 billion per project. These are offshore wind and floating solar.”

Ayon kay Rodolfo, karamihan sa mga inaasahang investments ay magmumula sa foreign companies na may local partners.

Para sa first quarter ng taon, ang investment approvals ng BOI ay umabot na sa P463.3 billion.

Karamihan sa mga ito ay ipinuhunan sa RE, manufacturing, administrative services, transportation at storage and agriculture.

Unang itinakda ng BOI ang investments target nito ngayong taon sa P1 trillion ngunit dahil sa better-than-expected turnout sa first quarter, sinabi ni Rodolfo na inatasan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang ahensiya na itaas ang target sa P1.5 trillion.

Ayon kay Rodolfo, ang hakbang na 100 porsiyentong buksan ang renewable energy sector sa foreign ownership ay nakatulong para makaakit ng mas maraming foreign investments.

“What we did was to allow 100 percent foreign equity in RE, including offshore wind. Before it was 60-40 so somehow, that hinders them from [entering in the country],” aniya.

Bukod sa RE, sinabi ni Rodolfo na karamihan sa investments na nasa pipeline ay ilalagak sa telecommunications sector.

-PNA