BOI TUTULONG SA GARMENTS & TEXTILE MANUFACTURERS AT STAKEHOLDERS NG TAYTAY

NAKIPAGPULONG ang Philippine Board of Investments (BOI), ang pangunahing industry development arm and primary investments promotion agency ng bansa, sa mga garments and textile manufacturers at stakeholders ng Taytay sa isang  roundtable discussion para alamin ang mga salo­obin nila at kung paano makatutulong ang ahensiya sa pagpapataas ng industriya ng pananamit sa lugar na nasabi at kung paano sila makikipagkompetensiya.

Pinangunahan ni Trade Undersecretary for Industry Development and Trade Policy Group at BOI Managing Ceferino Rodolfo ang pakikipagpulong sa mga opisyal at miyembto ng Baclaran Garment Producers, Inc. (BAGPI) at I Love Taytay Garments Producers, Inc. (IGPAI)—dalawang pinakamalaking grupo ng garments manufacturer sa Taytay, Rizal. Naroon din ang mga opisyal at kinatawan mula sa Philippine Chamber of Commerce–Taytay Chapter, ang Taytay Municipal Government, Department of Trade & Industry – Rizal Provincial Office, at ang Department of Tourism – Rizal Provincial Office.

“Our garments industry used to be one of the top performing sectors both locally and internationally. But with the challenges brought by the end of the Multi-Fiber Agreement (MFA) which grants preferential tariffs to PH exports of garments and textiles, we saw a decline in the sector’s general performance,” paliwanag ni Undersecretary Rodolfo.

“We however observed that while this is the overall state of the sector, the garments industry here in Taytay is thriving despite challenges, and we hope to replicate this successful model to other parts of the country,” sabi niya.

Sa roundtable discussion, binigyan ng impormasyon ng grupo ng garment manufacturer ang BOI ng kakulangan ng mga manggagawa, lalo na ang mga mananahi.

“Dressmaking is no longer part of the schools’ curriculum. Thus, we are having difficulties in serving the market demand,” pahayag ni BAGPI President Manuel Cruz.

Dahil karamihan sa garment manufacturers sa Taytay ay mga maliliit pa lamang tulad ng family-owned businesses na ipinasa sa mga susunod na henerasyon, ipinaliwanag ng grupo na hindi pa nila napag-aaralan ang tungkol sa branding dahil ito ay dagdag gastos.

“Most of the garment manufacturers here sell their items in bulk to retailers and online resellers. These retailers and resellers are often the ones putting the brand names to these items,” pahayag mula sa representative ng  IGPAI.

Garments manufacturing is one of the “silong” industries in Taytay with about 190 registered garment manufacturers, 52 remnant cloths sellers, 29 registered ready-to-wear (RTW) retailers, and 4,000 surveyed flea market sellers, ayon sa report ng Taytay Business License Processing Office.

Ang industriya ng garments at textile sa Taytay ay matatandaang nagsimula noong 1950s hanggang 1960s kung saan ang remnant textiles (aged textiles) galing New York ay inaangkat sa pamamagitan ng pagsisikap ng Municipal Mayor noon na mayroong madaling daan sa mga supplier at kaalaman sa customs procedure.

Ang mga mananahi ay kalimitang nasa ground floor ng kanilang bahay para makabawas ng overhead costs ganoon din ang  permits at mga kailangan sa lisensiya.  Sa tumataas ng bayad sa paggawa sa bansa, karamihan sa mga garments manufacturers ay lumipat na sa ibang bansa sa ASEAN.

Patuloy na naghihirap sa kompetensiya ang industriyang lokal sa mga second-hand clothes mula sa ibang bansa (ukay-ukay) at Chinese-made garments and textiles. Ang mga factory sa Taytay at sa karatig na lugar tulad ng ITM, Gentex, UTEX, at Knit Joy ay huminto na sa kanilang operations. Ang garment manufacturers sa Taytay ay dumedepende na lamang ngayon sa mga inaangkat ng China. Sinabi ni Undersecretary Rodolfo na ang DTI at BOI ay makatutulong sa posibleng paghahanap ng tela sa mga non-traditional sources tulad ng Vietnam, Pakistan, and Turkey, itaas ang kanilang kakayahan at palawakin ang kanilang merkado.

Matapos ang pag-uusap, nag-ikot sina Undersecretary Rodolfo at ang kanyang team sa Taytay Tiangge Night Market para makita ang aktuwal na operasyon ng industry players sa lugar. Puntahan ng mga libo-li­bong mamimili at resellers, nasa si­yam na asosasyon ng garments producers at traders ang nagpapatakbo ng Taytay Tiangge, at sila ay ang: BAGPI (400-1,000 stalls), Municipal Tiangge (800 stalls), Octagon (150), IGPAI (300-400), Maswerte (250), My Seoul (100-200), Freedom (200), Club Manila East (600-700), and Eugene (30).

“The information gathered from the roundtable discussion is very important to us. As we go around the country and conduct similar focused-group discussions with garments and textile industry players and stakeholders, these collected information will serve as substantive inputs to the Garments and Textile Industry Roadmap that we envision for the industry,” pahayag ni Undersecretary Rodolfo.