BOKSINGERO NADIKIT SA KORYENTE NANGISAY

DAVAO DEL SUR – DEAD on arrival ang isang dating boksingero nang madikit ito sa high tension wire ng isang electric cooperative habang nagkukumpuni ng bubong sa isang gusali sa palengke sa bayan ng Magsaysay.

Ayon sa Davao del Sur Provincial Police Office, inabot ng dagliang kamatayan ang biktima na kinilalang si Gerardo “Gerry” Quiñones, 48-anyos, isang dating boxer noong dekada 90 subalit pumasok sa construction makaraang tumigil na sa pagboboksing.

Napag-alamang naaatasan ang biktima na ayusin at palitan ang bubong sa ikalawang palapag ng gusali subalit aksidente umanong tumama ang katawan ni Quiñones sa kable ng kuryente ng Davao del Sur Electric Cooperative na may 13,000 voltage .

Nangingisay na bumagsak ito sanhi ng libong boltahe na dumaloy sa kanyang katawan.
VERLIN RUIZ