IPINAGMALAKI ni Senate President Vicente Tito Sotto III na ang Bangsamoro Organic Law (BOL) at ang National ID System Law ang pinakamabangis na batas na naipasa ng senado ngayong 2018.
Ayon kay Sotto, maituturing na kontrobersiyal ang dalawang batas na ito na nailusot ng Senado.
Ang BOL o BBL at ang National ID System Law ay makailang beses ng isinulong ng mga nakaraang Kongreso subalit naging bigo dahil may mga kuwestiyonable sa mga naging proseso sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Paliwanag ni Sotto, talagang hinimay ng mga senador ang pagpasa sa BOL at inikot ang mga lugar sa Mindanao na maapektu-han nito para malaman kung makabubuti ba ito para sa mga residente ng Mindanao.
Hinggil naman sa National ID System Law, tiniyak naman ng Senado na hindi maapektuhan ang personal na data ng bawat in-dibiwal sa naturang batas at tiniyak na makatutulong ito sa national security bukod pa ang pagpapabilis ng proseso sa isang tao na may hawak ng National ID.
Isa rin sa nakikita ni Sotto na magiging kontrobersiyal ay ang abolish sa road board matapos na bawiin ng Kamara ang pag-buwag sa naturang ahensiya matapos na lumabas na ginagawang gatasan lamang ito ng ilang kongresista.
Ang pondo ng road board ay nanggagaling sa Road Users Tax na binabayaran ng mga nagpoproseso ng lisensiya at rehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office. VICKY CERVALES
Comments are closed.