BOL HINDI MINADALI

HINDI minadali ng Malakanyang ang pagpapasa ng Bangsamoro Organic Law.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing nagsagawa ng mga serye ng konsultasyon sa nagdaang isang taon mula nang isumite ang proposed Bangsamoro Basic Law sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Ang BBL ay kilala sa tawag na Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“Well, you know it wasn’t really rushed. It’s been there. It has been pending. It took us almost a year to discuss the BOL; there have been substantial consultations,” sabi ni Roque.

Ayon kay Roque, natatandaan niya na halos tatlong beses na pinatawag ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Senado at Kongreso.

Subalit aminado si Roque na ang BOL ay hindi perpektong batas kung kaya’t maaari rin naman itong amyendahan sa darating na mga panahon.

“And although, you know, nothing is perfect and of course the BOL as signed into law is a result of compromise,” sabi pa ni Roque.

Sa talumpati ng Pangulo noong nakaraang linggo sa Zamboanga City ay inamin niyang bukas siya sa posibleng pag-amyenda sa BOL kung kinakailangan.

Ang BOL ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Hul­yo 26.    EVELYN QUIROZ

Comments are closed.