LANAO DEL SUR – MARAMI ang naniniwala na magsisilbing instrumento para sa mabilis na pagbangon ng Marawi City na winasak ng terorismo ang pagratipika sa isinusulong na Bang-samoro Organic Law (BOL) na dedesisyunan bukas.
Isang araw bago ang January 21 plebiscite, karamihan sa tinanong ng PILIPINO Mirror ay positi-bo sa kanilang pananaw na mapabibilis ng itatatag na Bangsamoro government ang muling pagbangon ng lungsod na lubhang napinsala ng nangyaring Marawi siege noong isang taong.
Ayon kay AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. may katwiran ang mamayan ng Marawi at ramdam niya ang nadarama ng mga naapektuhan ng digmaan na halos lahat ay umaasa sa mabilis na pagbabago na sa kanilang paniniwala ay maisasakatuparan lamang kung maipapasa at makalu-lusot sa gaganaping plebisito ang BOL.
Sa pagbisita sa lungsod ng Marawi at pagsilip sa main battle area na mistulang isang “no man’s land” ay nanlumo si Madrigal sa lawak ng pinsala na dapat muling itayo.
Nakapanghihina dahil sa laki ng nawasak ay napakarami ng buhay na ibinuwis para lamang maliberate ang lungsod.
Hindi naman nag-aalala ang military official na magkakaroon ng sagwil sa gaganaping plebisito o may susulpot na mga spoiler dahil dati na naming saklaw ng ARMM ang Marawi partikular ang Lanao del sur. VERLIN RUIZ
Comments are closed.