CAMP CRAME – NAGLUNSAD ang pamunuan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ng kampanya kontra droga at kriminalidad kung saan ang tema ay ‘’Bola Kontra Droga’’, pangunahin dito ang pakikipaglaro ng kapulisan sa mga tokhang responder.
Sinabi ni P/Col. Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), bahagi ng programa ng mga pulis ang pagkilos sa boong lambak ng Cagayan na tulungan ang mga tokhang responder sa mga dapat gawin upang tuluyang magbago.
Layunin ng pamunuan ng CPPO Cagayan na maipakita nila sa mga gumagamit at nagbebenta ng droga na handa silang tumulong sa mga nasasangkot sa droga upang sila ay tuluyan ng makaiwas sa pagamit ng ilegal na droga.
Magugunitang inilunsad ng CPPO ang “Bola Kontra Droga” noong Enero 16, 2020 kung saan ay tuloy-tuloy pa ring ikinakasa ito sa iba pang munisipalidad sa Cagayan.
Samantala, bahagi pa rin ng kampanya ng pulisya ang programang “Bisita ni COP at ni PD’’, ito ay upang mapababa ang bilang ng mga nagaganap na krimen gaya umano ng rape, carnapping, shooting incident at iba pang mga hindi kanais-nais na pangyayari. IRENE GONZALES
Comments are closed.