BUMABANDERA sina dating teammates Robert Bolick at Jamie Malonzo sa Best Player of the Conference race sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.
Si Bolick ng NorthPort ay may 35.9 statistical points makaraang mag-average ng 21.7 points per game sa pagtatapos ng elimination round habang si Malonzo, ipinamigay ng Batang Pier sa Ginebra, ay may 31.3 SPs.
Pumapangatlo si Scottie Thompson, teammate ni Malonzo, na may 31.1, kasunod sina Magnolia’s Jio Jalalon at San Miguel’s CJ Perez sa fourth at fifth places, ayon sa pagkakasunod, na may 30.4 at 30.3 SPs.
Nangunguna naman si Earl Clark ng NLEX sa Best Import award kung saan ang American reinforcement ay kasalukuyang may 56.0 SPS, kasunod sina Quincy Miller ng Converge (55.3) at Justin Brownlee ng Ginebra (52.4).
Ang iba pa sa top five ay sina Nicholas Rakocevic ng Magnolia at Devon Scott ng San Miguel na nakakolekta ng 52.3 at 48.3.
CLYDE MARIANO