MAINIT na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Brunei’s Sultan Haji Hassanal Bolkiah sa Palasyo ng Malacañang ilang oras bago ang opening ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Si Bolkiah ay dumating sa Manila kahapon ng umaga para sa dalawang araw na opisyal na pagbisita sa bansa.
Nagdaos ng bilateral meeting dalawang lider upang talakayin ang hosting ng Filipinas sa biennial regional sports meet.
Ito ang ikaapat na pagho-host ng bansa sa SEA Games.
Tinatayang nasa 8, 750 mga atleta mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, the Philippines, Thailand, Timor Leste, Singapore, at Vietnam ang sasabak sa 530 events sa 56 sports mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Ang mga anak ni Bolkiah na sina Prince Abdul Mateen at Princess Azemah, ay kasama sa Sultanate’s polo team na nagtala ng unang panalo.
Nagwagi ang Brunei team sa polo team ng Filipinas nitong Nobyembre 24 sa Iñigo Zobel Polo Facility.
Si Bolkiah ay nakatakda ring bumalik ng Brunei ngayong araw.
Comments are closed.