BOLTS BUHAY PA

bolts

NAITAKAS ng Meralco ang 95-91 panalo laban sa San Miguel Beer upang manatiling buhay ang kanilang kampanya sa susunod na round sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Sa panalo ay makakasagupa ng Bolts ang Alaska para sa huling puwesto sa quarterfinals.

Nagbuhos si Delroy James ng 34 points, 5 rebounds at 6 assists upang pangunahan ang ika-4 na panalo ng Bolts sa 11 laro sa pagtatapos ng eliminations at nakatabla ang Aces at Phoenix sa team standings.

Gayunman ay nasibak ang Fuel Masters dahil sa inferior quotient.

Nagdagdag si Chris Newsome ng 20 points, 6 rebounds, at 4 assists, tumipa si Raymond Almazan ng 15 points, 7 rebounds, at 2 blocks, habang gumawa si  Brian Faundo ng 10 points para sa Bolts.

“It was a game we really needed,” wika ni Meralco coach Norman Black. “We really needed it very badly just to stay alive . . . A lot of the guys stepped up for us.”

Sa pagkatalo ay nahulog ang San Miguel sa 5-6 kartada. Kapag nanalo ang  Magnolia laban sa Talk ‘N Text ay mananatili ang Beermen sa No. 6 at makakaharap ang No. 5 Blackwater.  Kung hindi ay babagsak ang San Miguel sa No. 7 at makakabangga ang No. 2 NorthPort na may twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Nagbida si Chris McCollough para sa Beermen sa kinamadang 27 points, 16 rebounds, at 3 blocks, habang nag-ambag sina June Mar Fajardo ng 27 points at 13 rebounds at Terrence Romeo ng 11 points.

Iskor:

Meralco (95) – James 34, Newsome 20, Almazan 15, Faundo 10, Amer 8, Jackson 3, Quinto 3, Hodge 2, Salva 0, De Ocampo 0.

San Miguel (91) – McCullough 27, Fajardo 27, Romeo 11, Standhardinger 9, Santos 6, Lassiter 3, Nabing 3, Pessumal 3, Ross 2, Rosser 0.

QS: 22-21, 42-42, 74-70, 95-91

Comments are closed.