Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Phoenix vs GlobalPort
7 p.m. –Columbian vs Ginebra
PINUTOL ng Meralco ang 7-game winning streak ng Alaska sa pamamagitan ng 89-74 panalo sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Dinomina ng Bolts ang laro at hindi pinaporma ang Aces upang iposte ang impresibong panalo. Nalasap ng Aces ang ikalawang kabiguan sa siyam na laro.
Mataas ang morale at palaban, kumawala ang Meralco sa mahigpitang labanan sa first half kung saan umabante ito ng 12 points, 65-53, sa huling 2:37ng third period at hindi na lumingon pa.
“We came to the game knowing its’ going to be tough against Alaska. I instructed my players to play hard and put their heart into the game. I’m happy, they did it,” sabi ni coach Norman Black.
Nagbuhos si Chris Newsome ng team-high 18 points, kasama ang 9 points sa rainbow territory, 4 rebounds at 8 assists sa 42 minutong paglalaro upang tanghaling ‘Best Player of the Game’.
Nag-ambag sina Baser Amer at Jared Dillinger ng tig-17 points, import Arinze Onuako ng 14, Nino Canaleta ng 11 at Ranidel de Ocampo ng 10 points.
Tinalo ni Antonio Campbell si Onuako sa shooting contest sa pagtipa ng 25 points, subalit nilampaso nito ang Alaska import sa rebound. Kumalawit si Onuako ng 23 rebounds, 18 rito ay defensive, laban sa 14 boards ni Campbell.
Sa panalo ay lumakas ang kampanya ng Meralco sa semifinals matapos umabante sa quarterfinals sa panalo sa Blackwater, 102-75, nitong Hunyo 15 sa Mall of Asia Arena.
Sa panalo ay kumalas ang Bolts sa sister team at erstwhile leader Talk ‘N Text sa third overall at umakyat sa pangalawang puwesto, kasosyo ang Alaska na may parehong 7-2 kartada.
Pinilit ng Aces na isalba ang laro at mapalawig ang winning run subalit hindi nakayanan ang init ng boltahe ng Bolts at nasunog sa mainit na opensa nito.
“We couldn’t do out there. We’re simply outplayed,” sabi ni Alaska coach Alex Compton. CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (89) – Newsome 18, Dillinger 17, Amer 17, Onuaku 14, Canaleta 11, De Ocampo 10, Hugnatan 2, Hodge 0, Caram 0, Lanete 0.
Alaska (74) – Campbell 25, Manuel 22, Banchero 13, Casio 5, Thoss 4, Pascual 3, Enciso 2, Racal 0, Ex-ciminiano 0, Baclao 0.
QS: 23-19, 41-40, 73-57, 89-74.
Comments are closed.