Mga laro ngayon:
AUF Gym
4 p.m. – TNT vs Alaska
6:45 – Phoenix vs Magnolia
KUMAMADA si Reynel Hugnatan ng 16 points at nagdagdag si rookie Aaron Black ng 14 upang tulungan ang Meralco na gulantangin ang San Miguel Beer, 78-71, sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.
Kapwa gumawa sina Hugnatan at Black ng clutch baskets sa endgame at naipuwersa ng Bolts ang rubber match laban sa defending champion Beermen sa Linggo.
“The guys played with a lot of heart out there. They just played hard,” wika ni coach Norman Black.
“We didn’t shoot well but our defense held up,” dagdag ni Black.
Tulad ng Beermen, nahirapan din ang Bolts sa kanilang shooting subalit naging matikas sa depensa at gumawa ng crucial shots sa huli.
Pinoprotektahan ng Bolts ang 71-67 kalamangan nang maisalpak ni Hugnatan ang isang perimeter shot, pagkatapos ay naipasok ni Black ang isang three-pointer na nagbigay-daan sa kanilang panalo.
Sa kabuuan ay nagpakawala si Black ng tatlong tres at kumalawit din siya ng tatlong rebounds na nagsilbing belated gift niya sa kanyang ama.
“Yesterday (Friday) was my birthday but I take this gift even if it came a day late,” anang matandang Black.
“It’s halftime. We haven’t achieved anything yet. We still need to win one more game,” sabi ni Aaron.
Nagdagdag si Hugnatan ng pitong rebounds at ginawa nina Baser Amer, Chris Newsome, Cliff Hodge at Bong Quinto ang kanilang parte habang nalusutan ng Bolts ang maagang pagkawala ni Raymond Almazan sa laro.
Ang 6-foot-7 center ay inilabas sa 2:10 mark sa opening quarter makaraang masaktan sa banggaan kay Von Pessumal at hindi na nakabalik.
Sa kabila nito ay napanatili ng Bolts ang kontrol kung saan lumamang ito ng hanggang 16 bago inapula ang mainit na paghahabol ng Beermen sa endgame.
Umiskor sina Moala Tautuaa at Marcio Lassiter ng 14 at 12 points, ayon sa pagkakasunod, para sa San Miguel na halatang pagod na. CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (78) – Hugnatan 16, Black 14, Amer 12, Newsome 11, Quinto 9, Hodge 6, Faundo 4, Maliksi 4, Jamito 2, Almazan 0, Jackson 0, Caram 0
San Miguel (71) – Tautuaa 14, Lassiter 12, Ross 10, Escoto 10, Zamar 8, Santos 8, Alolino 6, Gamalinda 2, Mamaril 1, Pessumal 0, Comboy 0
QS: 21-11; 40-31; 59-51; 78-71
Comments are closed.