BOLTS HUMIRIT NG ‘DO OR DIE’

Meralco bolts

BUHAY pa ang Meralco sa 2020 PBA Philippine Cup makaraang maitakas ang kapana-panabik na 83-80 panalo laban sa Barangay Ginebra sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series kahapon sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.

Sinelyuhan ni Reynel Hugnatan ang 19-point game sa pag-iskor sa left wing sa pasa ni Chris Newsome at pagkatapos ay tinapalan ni Raymond Almazan ang make-or-break shot ni Stanley Pringle para pigilan ang Gin Kings sa pagkuha ng unang silya sa finals.

Maghaharap ang dalawang koponan sa isang do-or-die game sa Biyernes.

“The challenge going to the next game is to be a little ahead of them. So far, we’ve always been reacting,” wika ni Meralco coach Norman Black, na umaasang mauulit nila ang parehong tagumpay laban sa fourth seed San Miguel Beer sa quarterfinals.

“Just like in our battle with San Miguel, we have to win two games to move to the next stage. We’re halfway through,” ani Black.

Nagpakita ng katatagan ang Bolts, at muling sumandal sa kanilang ‘no-quit spirit’ upang mapanatiling buhay ang kanilang title campaign.

Nagtala rin sina Hugnatan, Almazan, Newsome at Cliff Hodge ng twin-digit outputs, habang sumuporta sina Nards Pinto, Allein Maliksi at  Aaron Black upang muling makaganti sa top seeds.

“We had a lot of guys coming in and playing their roles. As long as our guys can play their roles, we’ll have a chance,” sabi ni Black.

Naglaro si Pinto sa loob ng 18 minuto at naitala ang kanyang pinakamalaking kontribusyon sa kanyang defensive gem na nagbigay sa Bolts ng possession habang naghahabol ng isang puntos sa huling 20 segundo.

Mula sa timeout, ipinasa ni Newsome ang bola kay Hugnatan para sa long twinner na nagbigay sa kanila ng 81-80 kalamangan.

“Kay Newsome ‘yung play, kaso na-cover siya, at nung pinasa sa akin ang bola, wala na akong inisip, at sa awa ng Diyos pumasok,” sabi ni Hugnatan.

Napreserba ni Almazan ang kabayanihan ni Hugnatan sa pamamagitan ng kanyang sariling kabayanihan, na pumigil sa well-run play ng Ginebra sa sumunod na tagpo.

“That was a huge block by Raymond. He’s really our inside defender, the guy we count on as our last line of defense,” pahayag ni Black.

The Bolts actually dominated the first half, largely behind a defensive effort that saw only five Ginebra players put up points.

Hindi nakaiskor sa unang dalawang quarters, nabuhay sina LA Tenorio at Japeth Aguilar sa second half, na nakatulong para sindihan ang pag-atake ng Ginebra. CLYDE MARIANO

Iskor:

MERALCO (83) – Hugnatan 19, Hodge 16, Newsome 16, Almazan 11, Maliksi 8, Amer 4, Pinto 3, Black 2, Quinto 2, Jamito 2, Jackson 0.

GINEBRA (80) – Pringle 18, Dillinger 15, Thompson 13, Aguilar 12, Tenorio 8, Caperal 8, Mariano 6, Tolentino 0, Devance 0.

QS: 26-21; 44-31; 60-64; 83-80.

Comments are closed.